Wednesday, September 2, 2009

Gaya-gaya




Minsan may nagtanong sa akin,
marunong ka nga ba talagang magmahal ng totoo?

Palagay ko, baka hindi nga.
Hindi dahil sa wala akong emosyon, o wala akong pakialam,
o masama akong tao, o hindi talaga kita gusto.

Takot lang ako.

Mukha lang akong matapang, pero ang totoo nyan,
duwag ang puso ko.

At kung sino mang duwag ang magsabi na
marunong siyang magmahal ng totoo,
wag kang maniwala dun.

Hindi duwag ang tunay na alam mo na.

Pero kung may isang bagay na alam kong marunong ako---
at sadyang magaling ako---
ito ay ang mang-gaya.

Kaya kung marunong kang magmahal ng totoo---
at minahal mo ako---
itaga mo sa bato kong puso, gagayahin kita.


*

4 comments: