Showing posts with label movies. Show all posts
Showing posts with label movies. Show all posts

Wednesday, July 22, 2009

Transformers: Revenge of the Fallen

Ang Tunay na Babae ay hindi nakikipag-siksikan sa sinehan para lang makapanood, kahit blockbuster pa yan.

So. Which ones were the emoticons?




*

Saturday, May 2, 2009

Top 10 Reasons Why Undecided Ang Tunay na Babae about X-Men Origins: Wolverine

10. That scene in which Stryker and Agent Zero first tracked Logan in the woods after 6 years, parang may sexual tension yung sagutan ni Logan at Zero. 

9. Mas rip ngayon si Hugh Jackman than he was in the first X-Men in 2000.

8. Hindi naman kagandahan si Kayla. Wala na ba ma-cast na ibang actress?



7. Ang cute ni Gambit. Lalo na pag pailalim kung tumingin.

6. Can’t help but hum Lady Gaga’s Poker Face pag nakikita si Gambit. Nakakasira ng moment.

5. Ang Tunay na Babae lang ba ang naka-pansin na Hugh Jackman slipped out of his accent a number of times?

4. Kahit anong gawin ng Tunay na Babae, si Van Wilder pa rin ang nakikita nya kay Deadpool. Asan si Tara Reid?

3. So after all the love shared between Logan ang Kayla, Wolverine gets shot in the head and forgets it? How convenient.

2. But then in the end, ang mga Tunay na Babae will take any excuse to see Hugh Jackman running bare-bottom.


1. Teka lang, ha. Why was Emma Frost reduced to some loser that needed to be saved by some ordinary sister? How could they do this to the White Queen?! Alam nyo ba what a girl would give para maging isang tumpok ng diamond na may psychic powers?


*

Monday, April 27, 2009

Top 10 Chick Flicks na Hate ng Tunay na Babae

10. A Walk to Remember (2002). Asar ang Tunay na Babae kay Mandy Moore. Why? Wala lang. She just doesn’t like her.




9. Love Actually (2003). Nalilito ang Tunay na Babae kung turn-on or turn-off yung pag-kembot ni Hugh Grant.





8. Sleepless in Seattle (1993). Siguro back in June 1993, ok ito. Pero wala nang Tunay na Babaeng kikiligin dito matapos ipalabas ang Philadelphia 6 months later.








7. 10 Things I Hate About You (1999). Mukhang tunay na lalake si Julia Stiles.






6. Romy and Michelle’s High School Reunion (1997). Ayaw ng Tunay na Babae sa mga bidang bobo.






5. When Harry Met Sally (1989). You think Billy Crystal is hot, seriously?






4. The Mirror Has Two Faces (1996). Walang Tunay na Babae ang gustong mag-identify sa fez ni Barbara Streisand.




3. Titanic (1997). Sa tingin ng Tunay na Babae, dapat si Jack na lang ang pumatong sa raft at si Rose ang nasa tubig since mas makapal naman ang insulation nya sa lamig at siguradong lulutang sya.




2. My Best Friend’s Wedding (1997). Ang Tunay na Babae ay never papayag na maging maid of honor ang lady BFF ng groom na nagtangkang manulot. Sinong niloko ng pelikulang ‘to?






1. Pretty Woman (1990). Ang Tunay na Babae kailanma’y hindi ipa-patronize ang pelikula tungkol sa pokpok na lumigaya sa piling ni Richard Gere in the end.
*