Monday, April 27, 2009

Top 10 Gawain ng Tunay Na Babae Sa First Date

10. Ang Tunay na Babae ay palaging hindi pwede sa first two options ng araw ng date. Sa third option, sasabihin nya 'Sige I'll let you know'.

9. Ang Tunay na Babae ay magpapa-ganda ng tatlong oras before the date pero she's doing it for herself, not for you.

8. Ang Tunay na Babae ay confident magsuot ng daring sa date pero wag kang magkakamaling bastusin sya. Wag muna.

7. Ang Tunay na Babae ay sasagot ng 'Ikaw' pag tinanong kung saan nya gustong mag-dinner.

6. Ang Tunay na Babae ay hindi nagpapa-halatang impressed siya at ngingiti na walang nakikitang ngipin kung hindi sya impressed.

5. Ang Tunay na Babae pupunta sa CR every 15 minutes para mag-freshen up.

4. Ang Tunay na Babae ay babalik sa CR para tumawag sa bestfriend at bigyan ito ng blow-by-blow account.

3. Kinabukasan, Ang Tunay na Babae ay hindi sasagot sa unang tawag at maghihintay ng 30 minutes bago mag-text ng "You called?"

2. Ang Tunay na Babae ay hindi mo na makaka-usap ng matino if you don't call back matapos syang mag-text ng "You called?"

1. Ang Tunay na Babae ay hindi tatawag.
*

10 comments:

  1. Pota, chick ko ba ang tinutukoy mo dito? Tunay na lalake ako.

    ReplyDelete
  2. Ayos! Tunay na babae ako!

    ReplyDelete
  3. re: #7... kung tunay na lalake ang nagyaya mag-date, dapat planado na nya kung saan kakain at ano ang gagawin. Hindi na kailangan itanong pa sa babae ;)

    ReplyDelete
  4. re: post above... unfortunately maraming hndi tunay na lalake! hihihi ;-)

    ReplyDelete
  5. tama yun isang anonymous sa #7. ang tunay na lalake ay dapat nag li lead palagi, di na tinatanong ang babae kung saan gusto kumain/umebak/umihi/magmall/magcoffee at kung ano ano pang shit. hehe

    ReplyDelete
  6. ^^ at ang tunay na babae magagalit naman ngayon kapag di tinanong dahil di daw binigyan ng consideration ang likes at dislikes nya.

    ReplyDelete
  7. Kaya nga 'ang tunay na babae ay palaging undecided' sa credo. Di nya alam kung gusto nyang masunod o pasunurin. :D

    ReplyDelete
  8. kung ano anong shit kasi meron ang tunay n babae..

    ReplyDelete
  9. at ang mga kung ano anong shit nila ang kinahuhumalingan ng mga tunay na lalake..
    umamin kayo, totoo..

    digs??

    ReplyDelete
  10. If you are tunay na babae you would not do all the stuff above.. I find it unnerving and pa cute. If you are tunay na abate you should be confin enough to know wha you want nd say it ou loud... Pls revise this! Sorry to offend

    ReplyDelete