Wednesday, April 29, 2009

Ang Tunay na Babae 101: Dealing with Your Tunay na Lalake

According to HAY!MEN!, ito raw ang manifesto ng mga (nagki-claim na sila ay) tunay na lalake.

Ang Tunay na Babae ay alam kung pano i-handle ang paninindigan ng mga (nagki-claim na sila ay) tunay na lalake.


1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
Ang Tunay na Babae ay may pampagising.

2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
Ang Tunay na Babae ay sasagot ng cryptic smileys.

3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
Ang Tunay na Babae ay kaya kang papayatin.

4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
Ok lang. Ayaw ng Tunay na Babae ang malambot.

5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
Ang Tunay na Babae din.

6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
Ang Tunay na Babae ay nag-sigh of relief.

7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
Ang Tunay na Babae ay ichi-chika sa kapwa Tunay na Babae ang mga kamaliang taglay mo.

8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
Ang Tunay na Babae ay iiwan ka.

9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
Ang Tunay na Babae ay magyayaya na lang mag-dinner out. Pagkatapos ay bibigyan ka ng dahilan para makalimutan mo pangalan MO.

10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.
Ang Tunay na Babae ay ipagdarasal ka.



*

32 comments:

  1. nakakatuwa naman ito. panakaw... ;-)

    ReplyDelete
  2. Manifesto ng Tunay na Lalake

    1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
    2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
    3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
    4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
    5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
    6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
    7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
    8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
    9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
    10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.


    Got this sa isang forum courtesy of paprika of espiya.

    ReplyDelete
  3. ^ SO hindi mo pa pala nabibisita ang tunaynalalake.blogspot.com?? Yun ang orig, madz.

    ReplyDelete
  4. dude, tuloy lang! digs to!

    - lalaki ng haymen

    ReplyDelete
  5. hehehe.. wasak na wasak din to.. ayos ayos..

    ReplyDelete
  6. hahahaha DIGS! wala kang originality!

    ReplyDelete
  7. AHAHAHAH! Cool! Orig to kasi hindi gaya-gaya lang...nag-innovate, parang japanese technology!

    ReplyDelete
  8. Digs!! Pede-pede.
    Pero mas astig pa rin Hay! Men!
    ~SC

    ReplyDelete
  9. proud to be certified di tunay na babae, dahil sa mga manifesto galing sa totoongbabae.blogspot at tunaynababae.blogspot, madami akong nilabag na rules...

    -BPA

    ReplyDelete
  10. ahha
    lupet
    ramBOO

    ReplyDelete
  11. credo pa lang, alam nang mas madada ang mga tunay na babae.

    ReplyDelete
  12. ha, ha, ha!!! i like this but ano ba ang TUNAY na tunay?

    ReplyDelete
  13. love it!nice on girl!

    ReplyDelete
  14. ang tunay na lalaki ay hindi babasahin ito. tsismis ito! bawal sa TNL ang tsismis! pwera na lang kung magtsitsismisan ang dalawang mga tunay na lalaki.

    ReplyDelete
  15. ang tunay na lalake may tae sa brip.
    ang tunay na babae iiwan ka.



    hahahahahahaha

    ReplyDelete
  16. korni!

    ang tunay na babae kung may tae sa brip ang tunay niang lalake dapat punasan nia un,, u knw unconditional love!

    ReplyDelete
  17. Ang Tunay na Babae ay ipagdarasal ka.


    ---- mali ito... ang tunay na babae ay lumuluhod...

    ReplyDelete
  18. @ xtian: hahahahahahahahah!

    ReplyDelete
  19. N I C E! repost ko lang ha? - M

    ReplyDelete
  20. bobo tlga pag babae.
    no match sa TNL.
    manggagaya na lang fail pa.

    ReplyDelete
  21. Korni to.
    Ang tunay na lalake may originality at hindi korni.

    digs?

    ReplyDelete
  22. ang tunay na lalaki ay mahilig din sa lalaki tnt

    ReplyDelete
  23. ayos to ah... hahahah

    ReplyDelete
  24. ang tnl ay adik at prang rabbit......hindi tulad ng iniisip mo....sensitive...bwahahaha

    ReplyDelete
  25. ang tunay na babae ay nangangalabit....true?

    ReplyDelete
  26. Wala ng kasunod? Tuloy mo pa pre bebenta din to hahahah

    ReplyDelete
  27. ang dota isa lang sa mundo,ang gf napaKARAMI NYAN,bui pa sa dota d nag iiwan d katulad ni gf nang iiwan....paalala wag mawalan ng pag asa lahat ng tao pwedeng mag mahal♥♥♥

    ReplyDelete
  28. I agree, ang tunay na babae nanonood ng WRESTLING, hahaha! nice one! :)

    ReplyDelete
  29. Mga Gago ito ahh.. Parang di rin cla maiinlove balang araw.. tingnan nalng natin

    ReplyDelete
  30. ang tunay na lalake ay hindi babae
    ang tunay na babae ay hindi lalake

    ReplyDelete