Thursday, April 30, 2009

Ang Tunay na Babae 101: Invoking your State-Protected Rights

Ang Tunay na Babae ay hindi bimbo; alam nya ang kanyang mga karapatan. Kaya kung merong mga elementong minamasama ang iyong pagiging Tunay na Babae, you can invoke some relevant provisions sa Philippine Constitution.

Kung palaging pinagbabawalan ng BF ang Tunay na Babae na gumimik:

Article III Section 1. No person shall be deprived of a life.

Kung sugurin ng buong barkada ang lalakeng nang-gago sa Tunay na Babae:
Article III Section 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or the right of the people to assemble and petition the sucker for redress of grievances.

Kung ayaw payagan ng BF ang Tunay na Babae na magpunta sa Bora na hindi sya kasama:
Article III Section 6. The right to travel shall not be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health, as may be provided by law.

Kung nahuli ng Tunay na Babae ang BF na may ka-holding hands in public at ayaw ibigay ng loko ang cellphone nya for further investigation:
Article III Section 7. The right to information on matters of public concern shall be recognized. Access to records, documents and papers shall be afforded the citizen.

Kung ang Tunay na Babae naman ang mahuli ng BF na may ibang kina-career:
Article III Section 17. No person shall be compelled to be a witness against herself.

Kung nahuli ng BF ang Tunay na Babae, pinarusahan, pinatawad, at inulit ng Tunay na Babae ang kasalanan:

Article III Section 21. No person shall be twice put in jeopardy of punishment for the same offense. If an act is already punished, it shall constitute a bar to another prosecution for the same act.

Kung ayaw payagan ng BF ang Tunay na Babae na mag-bridal shower sa Chico's o kumuha ng exotic dancer:
Article XIV Section 18.1. The State shall ensure equal access to cultural opportunities.

Kung ang Tunay na Babae ay bumabanat ng sumbat at hindi pinagsasalita ang BF:
Article III Section 12.1. Any person under investigation for the commission of an offense shall have the right to be informed of his right to remain silent.


*

Wednesday, April 29, 2009

Ang Tunay na Babae 101: Dealing with Your Tunay na Lalake

According to HAY!MEN!, ito raw ang manifesto ng mga (nagki-claim na sila ay) tunay na lalake.

Ang Tunay na Babae ay alam kung pano i-handle ang paninindigan ng mga (nagki-claim na sila ay) tunay na lalake.


1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
Ang Tunay na Babae ay may pampagising.

2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
Ang Tunay na Babae ay sasagot ng cryptic smileys.

3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
Ang Tunay na Babae ay kaya kang papayatin.

4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
Ok lang. Ayaw ng Tunay na Babae ang malambot.

5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
Ang Tunay na Babae din.

6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
Ang Tunay na Babae ay nag-sigh of relief.

7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
Ang Tunay na Babae ay ichi-chika sa kapwa Tunay na Babae ang mga kamaliang taglay mo.

8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
Ang Tunay na Babae ay iiwan ka.

9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
Ang Tunay na Babae ay magyayaya na lang mag-dinner out. Pagkatapos ay bibigyan ka ng dahilan para makalimutan mo pangalan MO.

10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.
Ang Tunay na Babae ay ipagdarasal ka.



*

Top 10 Misguided Notions Tungkol sa Kailangan ng Tunay na Babae

10. A woman should have something perfect to wear if the employer 0r date of her dreams wants to see her in an hour…
Perfect dress-perfect dress pa... Ang Tunay na Babae ay hindi papayag na one hour lead time lang.


9. Every woman should know whom she can trust, whom she can't, and why she shouldn't take it personally...
Ang Tunay na Babae ay palaging mame-mersonal.

8. A woman should have enough money within her control to move out and rent a place of her own, even if she never wants to or needs to…

Ang Tunay na Babae ay walang pera. Ang kanya'y kapangyarihan ng bato at plastic. Kung kailangan talaga ng cash, pwede isangla ang eternity ring.

7. A woman should have a feeling of control over her destiny…
Ang Tunay na Babae ay mataimtim na maghinihintay lang sa kanyang destiny. Pag dumating na, saka nya ito iko-control.

6. A woman should have a youth she's content to leave behind…
Ang Tunay na Babae ay hindi tumatanda.

5. A woman should have a past juicy enough that she's looking forward to retelling it in her old age…
Ang Tunay na Babae ay discreet at hindi magchi-chika ng juicy past nya sa mga apo.

4. A woman should have one friend who always makes her laugh and one who lets her cry...
Ang Tunay na Babae ay tatawa one minute at hahagulgol the next. Dapat ang kaibigan nya all-in-one.

3. Every woman should know where to go, be it to her best friend's kitchen table, or a charming inn in the woods, when her soul needs soothing...
Duh. Ang Tunay na Babae ay magsha-shopping. Period.

2. Every woman should know when to try harder and when to walk away…
Ang Tunay na Babae ay hindi trying hard at sya'y magwo-walk out kahit kelan nya gusto!

1. A woman should have a set of screwdrivers, a cordless drill, and a black lace bra…
Black lace bra lang ang kailangan ng Tunay na Babae; say the word at asahan mo meron darating na may dalang screwdrivers at cordless drill.





Whacked lines borrowed from "30 Things Every Woman Should Have & Should Know By The Time She's 30" by Pamela Redmond Satran, Glamour Magazine, May 1997. And yes, na-forward na to sa email mo for sure.

*

Monday, April 27, 2009

Ang Tunay na Babae 101: Writing a Unique Poem for Him

Tayo ay emosyonal. Pag nahibang sa pag-ibig, nako-consume. Kailangan ng outlet. Kailangang matutong mag-convert ng emo charge into creative energy.

Kung hindi sya matanggal sa isip mo, eh di gawan mo na lang ng tula.

But your poem should be unique. Hindi generic. Yung pag nabasa nya, lalambot ang puso nya dahil alam nyang ginawa mo talaga yun para sa kanya.

Lahat ng Tunay na Babae ay dapat matutong mag-ACROSTIC. Ito ay ang pag-sulat ng tula using the letters of a name as the first letters of each line.

Pwede kang kumuha ng ideas dito:


Many times I wonder how this feeling grew in me
Even during classes, you're the one I always see
Longing for your smile, it thrills my loving heart
Very much attracted to you from the start
In everything you do, wherever you may be
Now and for always, I dream of you and me



***

Before and after
Ever and ever
Never forget you


***


Just when I thought I was all alone
And no one was there to call my own
You came along and now you're my man
Saying you love me just as I am
Over and over, I'll say it's true
Nothing comes close to my feelings for you




***




Ever wondered where I've been?
Figured why it's only now I came in?
Regret those years you settled for nothin'?
End all your might have been's,
Now that the best has come, that's me. Yeah.



***




Just want you to know
Romance makes me glow


***


Gadammit I lavit
Love master has got it
Ecstatic I shout it
No, no, yes, yes, yes
No, no, yes, yes, yes!





***

I love you so much and I always will
So tell me now, baby, how do you feel
Know in your heart that my feelings are true
Over and over, I love you and only you


O diba. Hindi ka na nya makakalimutan nyan.

*

Top 10 Chick Flicks na Hate ng Tunay na Babae

10. A Walk to Remember (2002). Asar ang Tunay na Babae kay Mandy Moore. Why? Wala lang. She just doesn’t like her.




9. Love Actually (2003). Nalilito ang Tunay na Babae kung turn-on or turn-off yung pag-kembot ni Hugh Grant.





8. Sleepless in Seattle (1993). Siguro back in June 1993, ok ito. Pero wala nang Tunay na Babaeng kikiligin dito matapos ipalabas ang Philadelphia 6 months later.








7. 10 Things I Hate About You (1999). Mukhang tunay na lalake si Julia Stiles.






6. Romy and Michelle’s High School Reunion (1997). Ayaw ng Tunay na Babae sa mga bidang bobo.






5. When Harry Met Sally (1989). You think Billy Crystal is hot, seriously?






4. The Mirror Has Two Faces (1996). Walang Tunay na Babae ang gustong mag-identify sa fez ni Barbara Streisand.




3. Titanic (1997). Sa tingin ng Tunay na Babae, dapat si Jack na lang ang pumatong sa raft at si Rose ang nasa tubig since mas makapal naman ang insulation nya sa lamig at siguradong lulutang sya.




2. My Best Friend’s Wedding (1997). Ang Tunay na Babae ay never papayag na maging maid of honor ang lady BFF ng groom na nagtangkang manulot. Sinong niloko ng pelikulang ‘to?






1. Pretty Woman (1990). Ang Tunay na Babae kailanma’y hindi ipa-patronize ang pelikula tungkol sa pokpok na lumigaya sa piling ni Richard Gere in the end.
*

Top 10 Gawain ng Tunay Na Babae Sa First Date

10. Ang Tunay na Babae ay palaging hindi pwede sa first two options ng araw ng date. Sa third option, sasabihin nya 'Sige I'll let you know'.

9. Ang Tunay na Babae ay magpapa-ganda ng tatlong oras before the date pero she's doing it for herself, not for you.

8. Ang Tunay na Babae ay confident magsuot ng daring sa date pero wag kang magkakamaling bastusin sya. Wag muna.

7. Ang Tunay na Babae ay sasagot ng 'Ikaw' pag tinanong kung saan nya gustong mag-dinner.

6. Ang Tunay na Babae ay hindi nagpapa-halatang impressed siya at ngingiti na walang nakikitang ngipin kung hindi sya impressed.

5. Ang Tunay na Babae pupunta sa CR every 15 minutes para mag-freshen up.

4. Ang Tunay na Babae ay babalik sa CR para tumawag sa bestfriend at bigyan ito ng blow-by-blow account.

3. Kinabukasan, Ang Tunay na Babae ay hindi sasagot sa unang tawag at maghihintay ng 30 minutes bago mag-text ng "You called?"

2. Ang Tunay na Babae ay hindi mo na makaka-usap ng matino if you don't call back matapos syang mag-text ng "You called?"

1. Ang Tunay na Babae ay hindi tatawag.
*

Sunday, April 26, 2009

Top 10 Lies ng Tunay na Babae Sa Lalaki

10. I'm not free tonight.
9. I didn't see your text e.
8. Magbibihis lang ako sandali.
7. Ayokong mag-expect.
6. I'm ok.
5. I need space.
4. Ayoko na.
3. I've never done this before.
2. You're so good.
1. I'm coming.



*